Kabilang ang Kapuso showbiz couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa mahabang listahan ng mga pinasalamatan ni “Start-Up” star Bea Alonzo sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan nitong Lunes.
Sa kaniyang Instagram story, makikitang nagpadala ng bulaklak sa Kapuso actress ang mag-asawa sa pagdiriwang ni Bea ng kaniyang ika-35 kaarawan.
Kaliwa’t kanang brands, katrabaho, kaibigan at fans din ang pinasalamatan ni Bea sa panibagong taon.
Syempre hindi rin nagpatalo ang boyfriend ng aktres na si Dominic Roque na isang malaking bungkol ng Ecuadorian red roses ang handog sa kasintahan.
Samantala, nitong Martes, Oktubre 18, tila nagpahabol naman sa kaarawan ni Bea ang paghingi ng paumanhin ng talent manager at kolumnistang si Manay Lolit Solis matapos ang sustinidong pag-atake nito sa aktres na umabot umano sa isang taon.
Sa pag-uulat, wala pang reaksyon ang Kapuso aktres sa pahayag ni Manay Lolit.