Unti-unti nang bumabalik sa kaniyang sistema si Kapuso actor Tom Rodriguez na namataan nang aktibo muli sa kaniyang workout routine.

Sa tatlong magkakahiwalay na Instagram posts nitong Martes, iflinex ng Kapuso star ang kaniyang pagbabalik-loob sa gym.

Anang aktor, malayo pa man sa kaniyang goal, masaya na siya ngayon pa lang sa nakikitang progreso ng kaniyang katawan kung ikukumpara noong mga nakaraan buwan, aniya.

“Here’s to everyone surpassing their own personal expectations. Just remember to enjoy the process, focus on the progress, and forget perfection! 👌” ani Tom na ngayo’y nasa 156 lbs na sa dating 125 lbs.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Matatandaang napansin ng followers ang pagbagsak noon ng katawan ni Tom ilang buwan matapos ang pinag-usapang mga konstrobersiya nila ng dating asawang si Kapuso actress Carla Abellana na nauwi sa legal na hiwalayan.

Basahin: Tom Rodriguez, nagiging aktibo na ulit sa showbiz matapos ang hiwalayan nila ni Carla Abellana – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Masaya naman ang followers ng Kapuso hunk na hindi sanay na makitang all-out muli sa kaniyang fitness goal si Tom.

“Sorry for spamming your feed with these vain posts especially since I’m still puny but after 6 months of feeling weak and having no energy, being short of breath after a few steps, not able to hold anything down, I can’t get over how good I am feeling in my own skin,” mababasa sa ikatlong IG post ng aktor nitong Martes.

Dagdag niya, “it finally feels like my mind, body, and spirit are finally starting to work in harmony again.”

Nitong Agosto, napabalita ang unti-unti nang pagbabalik sa spotlight ng aktor.

Noong Hunyo nang kumpirmahan ni Tom na divorced na sila ni Carla.