ALCALA, Cagayan — Isang malaking araw sana para sa isang Overseas Filipino Worker (OFW) na pakasalan ang kaniyang nobya sa isang civil ceremony nitong Lunes, Oktubre 17, ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito natuloy dahil nawawala ang kaniyang bride.

Sinabi ni Alcala police chief Major George Marigbay na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang groom (itinago ang pangalan dahil sa personal na dahilan), Alias Anna (kapatid ng bride), at Alias Mario (ama ng bride) para i-report ang nawawalang bride na si Krizel Joy Enriquez, residente ng Brgy. Maraburab, Alcala.

Si Krizel ay may taas na 5'3", katamtaman ang pangangatawan, at nakasuot ng kulay pink na pang-itaas at pink na jogging pants nang umalis ito sa kanilang bahay noong umaga ng Oktubre 16, 2022 bandang 10 a.m.

Kukuha sana si Krizel ng kamias mga 200 metro ang layo mula sa kanilang tahanan ngunit mula noon ay hindi na ito nakauwi. 

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Nakauwi na ang OFW na groom mula sa Japan para sa civil wedding na nakatakda sana noong Lunes, bandang ala-1 ng hapon sa Municipal Trial Court sa Alcala.

Sa kasamaang palad, hindi mahanap ang nobya at hindi makontak sa kaniyang phone, ayon sa pulisya.

“Sa ngayon may tumawag na huwag na pumunta ang groom sa bahay ng babae na parang may gustong sabihin,” ani Major Marigbay sa Manila Bulletin.

Ang mga magulang ng nobya ay mga OFW din na umuwi para dumalo sa civil wedding.