Kasunod ng kaniyang matagumpay na Manila concert noong Linggo, nagpahayag ng interes para sa isang music collaboration ang British pop singer na si Anne Marie kasama si “Asia’s Phoenix” Morissette Amon.

Full-packed ang “New Frontier Theater” para sa Manila leg ng “Dysfunctional Tour” ni Anne Marie na dinaluhan ng avid Pinoy fans.

Sa concert, all-out na kinanta ng British singer ang kaniyang mga hit songs kasama ang 2018 hit na “2002.”

Sa ulat ni MJ Felipe, ipinahayag naman ng international artist ang Pinoy singer na nais niyang makatrabaho.

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

“I actually wanting to meet Morissette,” pagbabahagi ng singer at idinagdag niya na nasusubaybayan niya ang ilang online performance ng “Akin Ka Na Lang” singer.

Noong 2021, unang napanuod ni Anne-Marie si Morissette nang mag-react siya sa live radio cover ng Pinay diva sa kaniyang kantang “2002.”

Basahin: PANOURIN: Bakulawan nina Morissette, Sheryn sa kantang ‘Gusto Ko Nang Bumitaw,’ hinangaan ng fans – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noon ay humanga na ang British singer at "The Voice" coach sa timbre ng boses ng “Asia’s Phoenix.”

“Her voice is so good. I love her tone. Just so lovely. I could listen to her forever,” anang singer sa agad niyang impresyon kay Morissette.

&t=198s