Nagbalik na si Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda sa noontime show na "It's Showtime" ngayong Lunes, Oktubre 17, matapos ang halos dalawang linggong pag-absent dahil sa iba't ibang prior commitment.

Sa kaniyang pagbabalik ay bagong hair color at hairstyle ang kaniyang pinagwagwagan.

"Guys, wala kayong bagong host, si Vice Ganda 'toooo!!!" sey ni Meme sabay awra sa kaniyang bagong buhok.

Inamin naman ni Vice na isang linggo lamang siyang nawala sa noontime show, kaiba sa bilang ng mga netizen na dalawang linggo.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"Na-miss ko kayo nang bongga. At paumanhin dahil hindi n’yo ako nakasama nang dalawang linggo. Actually, one week lang ‘yon pero taped kaya nagmukhang dalawang linggo," ani Meme Vice.

Nagsilbing co-host ng noontime show ang kaniyang mga kaibigang sina MC at Lassy.

Matatandaang umani ng iba't ibang espekulasyon ang pagkawala ni Vice sa noontime show. May mga nagsabing "imbiyerna" siya sa co-hosts, at may bersiyon pang lilipat na siya sa ALLTV.