Mula pa noong Agosto, naging usap-usapan ang tila pagpapahiwatig umano sa social media ni Kapuso actress at fashion socialite Heart Evangelista ukol sa umano'y hiwalayan nila ni Senador Chiz Escudero.

Nitong Lunes, ayon sa ulat ng entertainment blog na Fashion Pulis, kumpirmado na raw na nag-split ang dalawa matapos ang seven-year marriage.

Dagdag ng source ng parehong ulat, nagbigay na rin umano ng go-signal si Heart sa kaniyang malalapit na kaibigan na kumpirmahin na ang kaniyang bagong relationship status.

Hindi naman nabanggit kung dumaan na sa pormal at legal na proseso ang hiwalayan.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Matatandaang mula Agosto, samu’t saring mga detalye sa social media ng aktres ang napansin ng maraming netizens.

Basahin: Pagpipinta muli ni Heart Evangelista, senyales daw na may pinagdadaanan ang aktres? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna rito ang umano’y pagtanggal ni Heart sa apelyidong “Escudero” sa kaniyang Instagram handle, ang pagbabalik loob ng aktres sa pagpipinta, at mismong pag-amin nito sa kaniyang personal na pinagdadaanan sa isang YouTube vlog.

Basahin: Pahiwatig na raw? Heart, inaming may pinagdadaan: ‘I’m in search of just being happy’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kamakailan din, hindi binati ng fashion influencer ang kaarawan ni Chiz na kadalasa’y may laan sa kaniyang social media post tuwing Oktubre 10.

Gayunpaman, nanatiling tikom ang dalawang panig ukol sa isyu ng hiwalayan.

Nauna na ring nagpahayag ng tiwala ang ina ni Heart na si Cecilia Ongpauco na mareresolba ng anak at ng asawa nito ang mga intriga ng hiwalayan, dahil nakilala niya umano mismo ang senador bilang “mature and grounded person.”

Kasalukuyang nasa Paris, France si Heart para pa rin sa kaniyang abalang fashion career.