Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang asawa ni Toni Gonzaga na si film director, producer Paul Soriano bilang Adviser of Creative Communications, ayon sa pahayag ng Malacañang nitong Lunes, Oktubre 17.

“Confirmed. Will take his oath later,” reaksyon naman ng Office of the Press Secretary matapos kapanayamin ng mga mamamahayag.

Nakatakda na umanong panumpain ni Marcos si Soriano.

Si Soriano, pamangkin ni First Lady Liza Araneta Marcos, ay isa sa mga pinagpipilian na maging Press Secretary kasunod na rin ng pagbibitiw ni Trixie Cruz-Angeles sa puwesto.

Gayunman, tinanggihan ni Soriano ang puwesto at sinabing "marami pa ang mas kuwalipikado sa posisyon upang matulungan si Marcos."

Malaki rin ang naging papel ni Soriano sa nakaraang election campaign ni Marcos matapos na pangasiwaan ang political advertisement nito.