KAMPO HENERAL PACIANO RIZAL, Sta. Cruz, Laguna --  Patay ang isang drug suspect at arestado ang dalawa pa nitong kasama habang sugatan naman ang isang pulis sa ikinasang drug buy-bust operation sa San Pedro City noong Linggo ng madaling araw, Oktubre 16.

Kinilala ng mga pulis ang napatay na suspek bilang alyas "Ulo," at ang mga naaresto ay sina Mark Gregor, alyas "Kapre," at Roxy Solidad.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Hindi naman binanggit ang pangalan ng sugatang pulis para sa seguridad nito.

Sinabi ni Laguna Police provincial director Col. Randy Glenn Silvio na dakong 12:36 ng madaling araw ay nagsagawa ng anti-narcotics operation ang San Pedro City police kung saan naaresto ang mga suspek sa pagbebenta ng umano'y shabu.

Habang pinoproseso ng mga pulis ang imbentaryo, dumating si Ulo na hindi nito alam na mga pulis ang mga raiders.

Ngunit nang malaman ni Ulo, bumunot ito ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad at dito tinamaan ang pulis, gumanti naman ng putok ang San Pedro City police at dito tinamaan si Ulo na naging sanhi ng pagkamatay nito.