Sinermunan ni Senator Imee Marcos ang mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) sa gitna ng pagdinig para sa hinihinging badyet ng ahensya para sa 2023 dahil sa kakulangan ng dokumento ng mga ito.

Dahil dito, napilitan si Marcos na suspendihin ang budget hearing.

"I [asked] the Comelec Finance... and other directors to submit certain documents, including the budget of the Barangay and SK elections (BSKE). I am not in receipt of any document at all. That being the case, I urge that we postpone this budget hearing," apela ni Marcos sa Senate subcommittee on Finance.

Si Marcos ay chairwomanng Senate Committee on Electoral Reforms and People's Participation.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Ipinilit pa rin ng nasabing senador na suspendihin ang deliberasyon sa kabila ng pagsusumite ng Comelec ng kanilang 2023 budget proposal.

Sa ilalim ng 2023National Expenditure Program (NEP), mayroong nakalaang P4.9 bilyong budget para sa Comelec, mas mababa kumpara sa hinihiling nilangP9.807 bilyon.

"Nothing has been submitted, except the old powerpoint that is unresponsive to the queries of most of my colleagues... Please explain the failure to submit documents urgently requested by this committee,"giit ng senador.

Kabilang sa dokumentong hindi nadala ng mga opisyal ng Comelec ang paliwanag ng mga ito sa paghiling nila ng karagdagang P10 bilyon upang maidaos ang 2023 elections sa Oktubre, update sa kabayaran ng mga poll workers nitong nakaraang halalan at usapin sa vote-buying sa nakalipas na 2022 elections.