Napa-sana all na naman ang netizens at instant kilig ang hatid ng JakBie fans sa latest na pag-flex ni Kapuso actress Barbie Forteza sa boyfriend nitong si Jak Roberto.

Sa isang Instagram post nitong Lunes, Oktubre 17, larawan ng kanilang magkahawak na kamay ang nagpakilig sa gabi ng netizens.

“O aking tahanan,” mababasang matamis na caption ng aktres kalakip ay itim na heart emoticon.

“I love you so much! ❤️❤️❤️” pagtugon naman ng aktor sa girlfriend sa parehong IG post.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Matatag pa rin ani Barbie Forteza ang higit limang taon na nilang relasyon ni Jak Roberto sa gitna ng mga lumabas na intriga ukol sa umano’y hiwalayan na ng Kapuso couple.

Personal na pinabulaanan ng Kapuso actress ang intriga sa kamakailang media conference.

Nitong Mayo lang ipinagdiwang ng showbiz power couple ang kanilang ikalimang anibersaryo.

Pagyayabang pa ni Barbie, “very hands-on” na ninong umano si Jak sa kaniyang pamangkin at mga magulang habang siya’y abala sa kasalukuyang proyekto.

Basahin: Barbie Forteza, Jak Roberto split na? Kapuso actress, ipinagyabang ang dyowa – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Lagi siya nagpupunta sa bahay to check on my parents, ‘yung mga tsikiting naming mga aso sa bahay,” dagdag ni Barbie.

Pag-amin noon ng aktres, ikinagulat niya ang mga lumabas na intriga na aniya’y muli na namang naungkat nang walang basehan.

Noong Hulyo, nauna nang nagpahayag ng interes si Barbie sa posibleng pag-level up ng kanilang relasyon ng Kapuso actor.