Usap-usapan agad online ang trailer ng paglabas ni dating senador at ‘People’s Champ’ Manny Pacquiao sa sikat na programang “Knowing Brothers” sa Hallyu capital sa South Korea.

Nauna nang inanunsyo ang kamakailang paglabas ng boxing superstar sa naturang JTBC program matapos maispatan na magkasama sila ni 2NE1 member at Korean star Sandara Park.

Basahin: Matapos mapaulat ang guest appearance sa ‘Running Man,’ Pacquiao, lalabas din sa ‘Knowing Brothers’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hindi pa naipapalabas sa South Korea, agad na trending sa YouTube ang trailer ng ika-355 episode ng naturang programa nitong Linggo.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Sa mahigit dalawang minutong pasilip, makikitang game na game na nakipagsabayan at nakipagkulitan sa ilang laro si Pacman, habang nagsilbi namang kaniyang translator si Sandara.

Ngayon pa lang, ilang global fans na ang nagpahayag ng excitement na mapanuod ang kabuuang episode.

Tuwing Sabado napapanuod ang sikat na “Knowing Brothers.”

Maliban sa “Knowing Brothers,” nakatakda ring mapanuod ng South Korean audience ang boxing champ sa isa pang kilalang palabas na “Running Man” sa SBS entertainment channel.

Basahin: ‘People’s Champ’ Manny Pacquiao, mapapanuod sa sikat na South Korean show ‘Running Man’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid