Masayang-masaya ang dating "Magandang Buhay" momshie host na si Karla Estrada nang hirangin siya bilang "Mrs. Universe Philippines Advocate Queen 2022", batay sa kaniyang Instagram post nitong Sabado, Oktubre 15, 2022.

Pinasalamatan ni Karla ang pamunuan nito dahil sa pagkakapili sa kaniya.

"THANK YOU MRS. UNIVERSE PHILIPPINES FOR CHOOSING ME AS MRS. UNIVERSE PHILIPPINES

ADVOCATE QUEEN 2022!🙏🏻🙏🏻🙏🏻🙏🏻"

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 4.8

"Cheers to all momshies! We are all QUEENS!!!"

Samantala, sa isa pang Instagram post ay abalang-abala na si Karla sa kaniyang gawain bilang volunteer sa Tingog Party-list.

"Unang-una maraming salamat sa inyo pong mainit na pagtanggap sa amin dito sa Pagsanjan, Laguna, sa pangunguna ng napakabuting mayor, Mayor Cesar Areza . Personal po akong pinadala ni House Speaker Congressman Ferdinand Martin Romualdez at ng TINGOG Partylist na pinangunguhan ni Congresswoman Yedda Marie Romualdez."

"Isa lang po ang dahilan kung bakit ako/kami nandito, ito ay upang maghatid ng saya at tulong sa inyong lahat," ani Karla sa kaniyang caption.