Napanatili pa rin ng bagyong Neneng ang kanyang lakas nitong Linggo habang nakataas pa rin sa Signal No. 3 ang Batanes at Babuyan Islands matapos humagupit sa Calayan Island sa Cagayan.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), palayo na ang bagyo pagkatapos mag-landfall sa isla.

Gayunman, apektado pa rin ng Signal No. 3 ang Basco, Mahatao, Uyugan, Ivana at Sabtang sa Batanes.

Babala ng PAGASA, matinding hangin pa rin ang mararanasan sa mga natukoy na lugar sa susunod na 18 oras.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Nasa Signal No. 2 naman ang ilang natitirang bahagi ngBatanes, natitirang bahagi ngCagayan,Apayao, northern portion ng Abra (Tineg, Lacub, Lagayan); at Ilocos Norte.

Isinailalim naman sa Signal No. 1 angnorthern at central portion ng Isabela (Santa Maria, San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Delfin Albano, Mallig, Quirino, Gamu, Roxas, San Mariano, Benito Soliven, Naguilian, Burgos, Reina Mercedes, San Manuel, Aurora, Luna, Cabatuan, San Mateo, Dinapigue, City of Cauayan); Kalinga; natitirang bahagi ngAbra;Mountain Province;northern portion ng Ifugao (Aguinaldo, Alfonso Lista, Mayoyao, Hungduan, Banaue); atnorthern at central portion ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, Bantay, City of Vigan, Santa, Caoayan, Narvacan, Nagbukel, Santa Maria, San Esteban, Santiago, Burgos, Banayoyo, Lidlidda, San Emilio, Quirino, Gregorio del Pilar, Galimuyod, City of Candon, Santa Lucia, Salcedo, Cervantes, Suyo, Sigay, Santa Cruz).

Huling namataan ang bagyo sa bisinidad ngCalayan Island sa Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging95 kilometer per hour (kph) at bugsong 115 kph.

Kumikilos ang bagyo pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

Sa pagtaya ng PAGASA, lalabas na ang bagyo sa bansa sa Linggo ng gabi.