Aabangan sa trending afternoon drama ng GMA Network ang dalawang kilalang content creator at doktor na sina Dr. Winston Kilimanjaro Tiwaquen o mas kilala bilang si Dr. Kilimanguru at Dr. Alvin Francisco.

Ito ang kinumpirma ng GMA Drama nitong Sabado, Oktubre 15 kung saan naispatan din ang dalawang doktor sa dalawang magkahiwalay na larawan kasama ang cast na sina Jillian Ward at Che Cosio.

Pelikula

Sine Singkwenta: ₱50 na movie ticket, handog ng FDCP at MMFF

Matatandaan kamakailan, kasunod ng isang trending scenes sa serye, tiniyak ng direktor ng porgrama ang patuloy na konsultasyon sa mga eksperto para sa pagpapahusay pa lalo ng palabas.

Basahin: Direk ng ‘Abot Kamay na Pangarap’, sinabing may consultants ang show bago gawin, i-ere ang scenes – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ito’y matapos umani ng kaliwa’t kanang puna at inilarawang “inaccurate depiction” ng ilang medical professionals ang isang partikular na tagpo sa emergency room sa naturang drama.

Basahin: Mga espesyalista sa medisina, tumaas ang kilay sa isang eksena sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, ngayon pa lang, ilang tagasubaybay na ng "Abot Kamay Na Pangarap" at follower ng dalawang kilalang doktor online ang excited na sa maaaring karakter ng dalawa.

Pinusuan ng libu-libong netizens ang update ng GMA Drama na sa pag-uulat ay nasa mahigit 28,000 reactions na sa loob lang ng tatlong oras.