Pinaplano na ngayon ng gobyerno na i-privatize ang 10 sa kanilang government-owned and controlled corporations (GOCCs).

Sa isang press briefing nitong Biyernes,Governance Commission for GOCCs (GCG) Chairperson Alex Quiroz, pinag-aaralan pa nila ang financial at economic status ng mga nasabing GOCC.

Gayunman, tumanggi si Quiroz na magbigay pa ng impormasyon sa usapin upang maprotektahan ang status ng 10 na GOCC habang wala pang resulta ang isinasagawang assessment.

"Different GOCCs have their own peculiarities,” banggit ni Quiroz.

National

OLALIA-KMU, iginiit karapatan ng mga manggagawa na makapag-unyon

Saklaw ng GCG ang 118 na GOCCs, hindi kabila angBangko Sentral ng Pilipinas (BSP), mga local water district, at research institution.

Sa batas, tungkulin ng GCG na pangalagaan ang karapatan ng gobyerno at matiyak na mananatiling bukas sa publiko ang operasyon ng GOCCs at matugunan ang layunin ng pamahalaan na magsilbi sa taumbayan.

Sa kasalukuyan, tanging angPhilippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) pa lang ang matunog na posibleng isailalim sa privatization dahil sa papel nito bilang regulator at operator ng mga casino.

Kabilang sa GOCCs na sakop ng GCG angNational Food Authority, Social Security System, Government Service Insurance System, Sugar Regulatory Administration, Subic Bay Metropolitan Authority, Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines, Civil Aviation Authority of the Philippines, at Clark Development Corporation.

PNA