Kabogerang rumampa sa isang hotel alley si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi kasunod ng isang awards night kamakailan.

Isa ang Pinay titleholder sa mga ginawaran kamakailan ng People’s Asia bilang woman of style and substance.

Sa isang Instagram post nitong Martes, nagpasalamat si Celeste sa pagkilala. Isang karangalan aniya ang maging kahanay at iba pang “brilliant and empowered women.”

“I will cherish the meaning of this award for the rest of my life and I hope to continue inspiring people through authenticity, relatability and kindness,” dagdag ni Celeste.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“This is a constant reminder that beauty should always go beyond physical appearance, how you inspire others and what you do to help your community is what truly matters,” pagpapatuloy ng beauty queen.

Kabilang din sa mga kababaihang kinilala ng People’s Asia ngayong taon sina Senator Risa Hontiveros, Department of Tourism Secretary Christina Frasco, French Ambassador Michele Boccoz, fashion entrepreneur Mags Cue, Sta. Elena Construction Corp. EVP Jacqueline Eduardo, Deputy Minority Leader Rep. Bernadette Herrera, beaauty and wellness entrepreneur Crystal Jacinto, artist and advocate na si Kristine Lim, Okada Manila's VP for sales and marketing Cielo Ortega-Reboredo, at Grab Philippines country manager Grace Vera Cruz.

Samantala, nagbigay naman ng patikim sa fans ang Pinay titleholder sa kaniyang pasarela kasunod ng seremonya.

Sa maikling Instagram video, parehong kumpiyansa, elegante at umaapaw ng karisma si Celeste habang iflinex nito ang wala pang pangalang Miss Universe walk.

Hindi naman mapigilan ma-excite ng Pinoy fans para sa manok ng bansa.

“The competition in January is only happening solely to determine the first runner-up. We have the queen right here! 😍😍😍” komento ng isang fan.

“SCREAMING UNIVERSEEE!!❤️”

“All eyes on the Goddess.. shupit balur are shekkinnggg, effortless ❤️😍”

“Effortlessly slaying! So expensive and stunning grabe. 😍😍 Still the girl to beat! 💪💪🇵🇭🇵🇭👑👑”

“Slayinnnnnn universe is yours honey 🔥🔥🔥🔥”

Maging si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ay may basbas na rin sa Pinay queen.

“Make way for the 👑!” komento ni Pia sa pasabog na awrahan ni Celeste.

“MADAMEEEE 🔥🔥🔥,” segunda rin ng aktres na si Chie Filomeno.

Kasalukuyang pinusuan na ng nasa mahigit 42,000 ang sneak peek ng paghahanda ng beauty queen para sa inaabangan nang beauty Olympics sa Enero 2023.