Kasunod ng mabigat na akusasyon ng “He’s Into Her” cast na si Rhys Miguel sa umano’y pangmomolestiya sa kaniya ng kapwa aktor na si Patrick Quiroz sa kanilang lock-in taping, may paglilinaw ang pamunuan ng ABS-CBN Film Productions, Inc. (AFPI) nitong Miyerkules.

Nananatiling top-trending topic sa Twitter si Patrick, gabi ng Miyerkules, kasunod ng mabilis na pagkalat ng video ni Rhys habang isinasalaysay ang umano’y krimen.

Twitter

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Matatandaang nagkasama ang dalawang young actor sa online hit series na “He’s Into Her” na pinagbidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano noong 2020, sa ilalim ng ABS-CBN.

https://twitter.com/444idaoki/status/1580004416270188546

https://twitter.com/marrionebleh/status/1580036802995400704

Basahin: ‘Spilling the tea!’ Rhys Miguel, may ibinunyag, matitinding paratang sa aktor na si Patrick Quiroz – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kabilang din sa mga kinondena ng netizens ang network dahil sa umano’y hindi pagbibigay nito ng karampatang aksyon sa reklamo ni Rhys.

Sa salaysay kasi ng young actor, hindi lang siya umano ang naging biktima ni Patrick ngunit sa kabila nito, nanatili sa produksyon ang aktor "kasi konti na lang ang oras ng shooting."

https://twitter.com/mumblefairy/status/1579870374980104197

Sa isang pahayag, mariing pinabulaanan ng AFPI ang naturang akusasyon ng pagpapabaya.

“Contrary to the claims made by Rhys Miguel on 11 October 2022, ABS-CBN Film Productions, Inc. (AFPI) immediately conducted an investigation upon receiving his complaint in December 2020 and swiftly took appropriate action to protect the rights of everyone involved,” mababasa sa pahayag ng Star Cinema sa isang Twitter post.

https://twitter.com/StarCinema/status/1580136362766131201

“AFPI takes these matters seriously,” dagdag nito.

Ipinunto rin ng pamunuan ng ABS-CBN na prayoridad nila ang mapangalagaan ang kapakanan ng lahat, kabilang na ang privacy ng mga tao sa produksyon.

Nananatiling tikom sa isyu ang Cornerstone artist sa pag-uulat.

Wala ring pahayag pa mula sa kampo ni Rhys kasunod ng pahayag ng ABS-CBN.