Pinabulaanan ng Cebu-based mom at digital content creator na si Kryz Uy ang pekeng YouTube account na tinangkang manloko sa mismong comment section pa ng kaniyang YouTube content kamakailan.

Nasa mahigit isang milyong subscribers na ang masugid na tagasubaybay sa vlogs ng misis ni Pinoy Big Brother champ na si Slater Uy.

Tampok sa kaniyang YouTube contents ang kaniyang buhay may-asawa at mommy life sa cute na cute na mga chikiting na sina Scottie at Sevi.

Teleserye

Mon Confiado, nag-react sa sinabi ni Herlene Budol na nakakatakot siya

Kaya naman hindi pinaglagpas ng vlogger at agad na binalaan ang Skyfam, tawag sa kaniyang subscribers, laban sascammer na sa mismong comment box pa ng kaniyang YouTube content tinangkang manloko.

Sa serye ng kaniyang Instagram stories nitong Lunes at Martes, pinabulaanan ni Kryz ang YouTube account na “Text me on telegram @kryzzzie1” na aktibong nag-reply sa ilang nagkomento sa pinakahuling vlog ng Skyfam.

“Thanks for watching and commenting. You are among our shortlisted winners. DM to claim your prize now,” mababasa pang saad ng scammer na nagpanggap na si Kryz.

Agad na babala ng vlogger, “Please do not get scammed. This is not me and it’s not legit.”

Kryz Uy/IG story

Kryz Uy/IG story

Sunod na mababasa na tinawag ni Kryz na “scam” ang naturang modus.

Hindi ito ang unang beses na ginamit sa panloloko ang pangalan ni Kryz.

Noong Hulyo, ilang brand na rin ng toddler products online ang gumamit hindi lang ng pangalan ni Kryz kundi maging ng pangalan at mga larawan ng anak nitong si Scottie.

Basahin: Pangangalaiti ni Kryz Uy: ‘Wag niyo isama anak ko sa scam niyo!’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Babala ni Kryz sa kaniyang followers, “I don’t sell anything to my fans and I never pay to boost my posts. Most importantly, ‘wag niyo isama ang anak ko sa scam niyo!!”

May blue badge ang tangingFacebook pageni Kryz, tanda na verified ito at kasalukuyang mayroong mahigit 992,000 followers.

Verified din angInstagram accountng celebrity mom na mayroong mahigit 1.1M followers sa pag-uulat.