Dinaluhan ng mga kababayang Pilipino sa Brisbane, Australia ang naging special screening ng “Katips.”

Sa isang Facebook post nitong Lunes, Oktubre 10, abot-abot ang pasasalamat ng direktor-actor at abogadong si Vince Tanada sa mga naging bahagi ng tagumpay ng “Katips” sa Australia.

Bago nito, nauna nang tinangkilik at dinaluhan din ng mga Pinoy sa Adelaide, at Gold Coast ang piling screening ng pelikula.

Tsika at Intriga

'Marian Rivera,' bet makatrabaho at makausap si Karylle

Sa isang video, iflinex naman ni Tanada ang Hollywood-level na luxury ride ng cast patungo sa “full-packed” screening sa Brisbane.

Nakatakdang ilaan sa ilang educational projects ang kikitain ng patuloy na international screening ng “Katips” sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Sunod na mapapanuod ang pelikula sa Sydney, Australia at maging sa Japan.

Ang “Katips” ay kuwento ng mga kabataang aktibista sa ilalim ng deklarasyon ng Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr noong dekada ’70.