Sinibak na sa puwesto ang hepe ng Philippine National Police (PNP) custodial unit kasunod ng insidente ng pangho-hostagesa dating senador na si Leila de Lima nitong Linggo ng umaga.

"Administratively po ay ni-relieve po natin 'yung chief ng custodial service unit para sa ganoon po ay malaman po natin kung ano ho ba 'yung mga naging lapses po sa pag-implement ng security po sa custodial center natin,” paliwanag ni PNP chief General Rodolfo Azurin, Jr..

Gayunman, tumanggi si Azurin na isapubliko ang pagkakakilanlan ng sinibak na opisyal ng PNP custodial center.

Nilinaw naman ni Azurin na iniimbestigahan na ngCriminal Investigation and Detection Group (CIDg) at ng mga forensic team ang insidente.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Nitong Linggo ng gabi aniya, inilipat na muna nila si De Lima sa PNP General Hospital upang makapahinga at makarekober sa insidente.

"Kagabi po ay inilipat po natin siya pansamantala sa PNP General Hospital para makapagpahinga po siya, habang inaayos ang kanyang facility kasi doon nga po nangyari yung insidente.”

Matatandaang napatay ng mga pulis ang tatlong detainee matapos saksakin ang isang pulis na nagrarasyon ng pagkain at i-hostage si De Lima sa loob ng nasabing detention facility nitong Oktubre 9 ng umaga.

Kabilang sa mga napatay sinaArnel Cabintoy, Idang Susukan at Feliciano Sulayao. Jr..

ReplyForward