Iniutos ng Sandiganbayan na makulong si dating Maguindanao Governor Sajid Ampatuan hanggang 152 taon kaugnay ng kasong malversation of public funds at graft noong 2009.

Ito ay matapos mapatunayan ng 1st Division ng anti-graft court na nagkasala si Ampatuan sa malversation of public funds (3 counts) at paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act (4 counts).

Kahalintulad na hatol din ang ipinataw sa kasamahang akusado na si dating Maguindanao provincial budget officer, Datu Ali Abpi Al Haj.

7Pinagbawalan na rin sila ng hukuman na magtrabaho pa o humawak ng posisyon sa pamahalaan.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Dumalo sa pagbaba ng desisyon ng kaso si Ampatuan sa pamamagitan ng video conferencing habang hindi naman nakadalo si Al Haj dahil nasa Stage 4 na umano ang kanser nito, ayon sa kanyang abogado.

Ayon sa Revised Penal Code, ang mga nahatulan ng reclusion perpetua ay mayroong katumbas na pagkakakulong ng hanggang 40 taon bawat kaso.

Sa kasong graft, aabot sa walong taon ang hatol sa bawat kaso.

Nag-ugat ang kaso nang gastusin nina Ampatuan at Al Haj ang mahigit sa P79 milyon sa pagbili umano ng asukal, sardinas, pulang asukal at daing noong 2009.

"Truth be told, public funds were disbursed on account of systematic replication and issuance of falsified procurement and disbursement documents,” ayon sa hukuman.

Sinabi pa ng korte na winaldas lamang ng dalawang akusado ang pondo nang matuklasang nagkaroon ng "ghost" purchase ng food supplies.