Hindi nakaligtas at naihambing nga ng netizens ang karakter ni Julie Anne San Jose na si Maria Clara, sa sexy sultry side ng tinaguriang “Limitless Star.”

Kaliwa’t kanang papuri ang tinatanggap ngayon ng Kapuso singer-actress dahil sa kaniyang natatangi at trending na pagganap sa “Maria Clara at Ibarra,” ang pinakabagong fantaserye ng GMA Network tampok ang mga detalye sa nobela ni Jose Rizal na “Noli Me Tangere.”

Ani Julie Anne kamakailan, “isang malaking karangalan na mapabilang sa proyekto” na isang malikhaing paraan din upang muling mahumaling sa kasaysayan ang mga kabataan ngayon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kasama rin ni Julie sa latest project ang kaibigang si Barbie Forteza at Dennis Trillo na pareho ring nakatatanggap ng positibong reaksyon mula sa mga tagasubaybay.

Samantala, hindi naman nakaligtas sa fans ang pagkukumpara sa karakter ni Julie na si Maria Clara, isang banal na dalaga at kolehiyala, sa sexy sultry side ng nag-iisang Kapuso Limitless Star.

Sa isang Facebook community, pabiro pang naitampok ang dalawang magkaiba at nalalayong larawan ng aktres.

Main Pop Girls Stanposting/Facebook

Biro ng uploader, ang gayak ni Maria Clara ay para sa family reunion habang perfect naman sa batch reunion ang sexy golden dress ng aktres.

Kuwelang sinang-ayunan naman ito ng maraming Gen Z netizens.

Nananatiling konserbatibo pa rin ang Pilipinas, lalo na ang matatanda, pagdating sa mga pananamit ng kababaihan.

Sa pag-uulat, tumabo na ng mahigit 11,000 reactions at mahigit 1,400 shares ang nasabing viral post.