Inihatid na sa kanyang huling hantungan si Percival Mabasa o Percy Lapid, ang hard-hitting broadcaster na pinatay ng riding-in-tandem sa Las Piñas City nitong Oktubre 3 ng gabi.

Dinagsa ng mga kaanak, kaibigan at supporters ang libing ni Lapid sa Manila Memorial Park nitong Linggo ng hapon.

Naging emosyonal ang pamilya ng nasabing mamamahayag dahil sa huli nilang sulyap sa kanya bago ito ilibing.

Karamihan sa mga nakidalamhati ay nagsuot ng itim na t-shirt na mayroong nakasulat na,"Justice for Percy Lapid."

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente

Nauna nang tiniyak ng mamamahayag na si Roy Mabasa, na konektado sa kanyang trabaho ang pagkakapaslang sa kapatid nito.

Nagpasalamat din ito sa lahat ng sumuporta sa kanilang pamilya hanggang sa mailibing ang kanyang kapatid.

Pinasalamatan din ni Mabasa ang mga opisyal ng gobyerno at ilang law enforcement agencies sa maagap na pag-iimbestiga sa kaso.

Matatandaang pinagbabaril ng riding-in-tandem si Lapid habanig sakay ito ng kanyang kotse ilang minuto na lang ang layo sa kanyang bahay sa BF Resort Village sa Las Piñas City nitong Lunes ng gabi.