Sa gitna ng mga paratang ukol sa umano’y dinayang Miss USA 2022 competition, isa ang American TV personality at top model na si Tyra Banks ang nagbunyi para kay R’Bonney Gabriel Nola bilang kauna-unahang Pinay-American titleholder.

Halos isang linggo matapos koronahang Miss USA 2022, naharap sa kabi-kabilang kontrobersiya si R’Bonney at ang Miss USA organization.

Basahin: Kauna-unahang Fil-Am beauty R’Bonney Gabriel, kinorohanang Miss USA 2022 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ito’y matapos ang umano’y conflict of interest ng ilang malalaking sponsor ng Miss Texas USA na si R'Bonney, na nagsilbi ring sponsors sa Miss USA 2022 .

Teleserye

Jodi Sta. Maria, inaming 'di siya ang first choice sa 'Be Careful with my Heart'

Isa sa mga nanindigan ukol sa umano’y dinayang kompetisyon si Miss Montana USA Heather Lee O’Keefe at idiniin ang ilang kapansin-pansin umanong “advantages” ng Fil-Am beauty queen sa kalakhang kompetisyon.

Ang mga naturang alegasyon ay sabay-sabay namang pinabulaanan ng titleholder at iginiit na ipinanalo niya ang korona nang patas.

“It was not rigged because I would never enter any pageant or any competition that I know I would win. I have a lot of integrity,” ani R’Bonney sa isang panayam sa E News

Nilinaw din ng titleholder ang ilang sponsorship kagaya ng MIA plastic surgery na kinatawan niya bilang brand ambassador matapos magwagi sa kaniyang state pageant.

Itinanggi rin ng Fil-Texan beauty queen ang ilang alegasyon sangkot ang Nizuc Resort, isa sa mga brand sponsors ng Miss USA, partikular ang lumabas na isang sponsored shoot ilang oras lang matapos koronahan.

“The sponsor did not fly me out. So I flew myself out. After I won Miss Texas USA, they are sponsors and they invited me to be a brand ambassador for their new spa at the Nizuc Resort,” paliwanag ni R’Bonney.

Dagdag ng beauty queen, matalo man o manalo noong gabi ng coronation, nakatakdang ilabas ang naturang ads.

Maging ang larawan ni Crystle Stewart, isa sa mga head officials ng Miss USA, habang inaayos ang buhok ni R’Bonney ay binigyang-linaw din ng Fil-Am titleholder.

Aniya, ang larawan ay kuha matapos ang coronation at paghahanda sa kaniyang official Miss USA headshot.

Samantala, ilang beauty queen kabilang ni Miss USA 2021 Elle Smith ang nauna nang parehong dinepensahan si R’Bonney at ang Miss USA organization.

Maging ang American top model at TV host na si Tyra Banks ay rumesbak na rin para sa Fil-Am beauty queen.

Sa kaniyang Instagram post kamakailan, ibinalandra ng supermodel ang larawan ni R’Bonney at kinilala ito bilang kauna-unahang Filipina-American Miss USA titleholder.

Mababasa pa ang mga #PinoyPower, #Philippines sa kaniyang post.

Ngayong Oktubre ipinagdiriwang ang Filipino-American History Month kaya naman isang pagbati sa Fil-Am community ang naging tugon ni R'Bonney sa pagkilala sa kaniya ng American star.