Matapos ang pinag-usapang viral reaction sa chicken nuggets ng panganay ni Melai Cantiveros at Jason Francisco na si Mela sa kamakailang YouTube vlog, agad na gumana ang malilikot na isipan ng netizens na nagawan pa ng isang dance track.

Ito ang masayang ibinahagi ng celebrity mom kasunod ng ginawang dance track ng online personality at music producer na si JMKO sa viral “chicken nuggets” reaction ni Mela.

Basahin: Epekto ng chicken nuggets? ‘Gusto Ko Nang Bumitaw’ ng mga anak ni Melai, kinagiliwan din ng mga netizen – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa isang Facebook post kamakailan, makikitang todo-bigay pa si Mela habang umiindak sa ginawang track ng online star.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

“Tawang-tawa ako bilang nanay at siyempre thank you very much @jmko_music sa pa music mo at thank you din sa mga netizens tawang-tawa ako bakit nagkaroon na ng kanta,” mababasa sa post ng Kapamilya host.

Sa naunang viral post, matatandaang napansin ng netizens ang anila’y kaparehang personalidad ng mga chikiting ng celebrity mom sa kaniya.

Positibo namang yinakap ito ng host at nagpasalamat pa sa nakakaaliw na mga reaksyon ng netizens.

Agad na nag-viral ang dance video ni Mela na umabot na sa nasa 21,000 likes at mahigit 500,000 views sa pag-uulat.