Nauwi sa iyakan ang isa sanang masayang selebrasyon sa ika-18 kaarawan ng isang dalaga sa Maragusan, Davao de Oro kamakailan.

Sa sana’y espesyal kasi na pagdiriwang, pumanaw ang ina ng debutanteng si Lovely na punong abala pa sa paghahanda.

Probinsya

Freedivers, inatake ng barracuda sa Batangas

Ayon sa ulat ng DXND Radyo Bida nitong Biyernes, Oktubre 7, ipinagpatuloy pa ang selebrasyon kung saan makikita ang ilang naging preparasyon ng ina para sa enggrandeng araw para sa anak.

Ito’y bilang pagsunod ng magkakamag-anak sa hiling ng ina na espesyal na pagsasalu-salo para sa debut ng anak.

Hindi naman nabanggit sa ulat ang naging sanhi ng biglang pagpanaw ng ina ni Lovely.