Maglalabas ng isang aklat si dating Bise Presidente Leni Robredo na may pamagat na "Tayo Ang Liwanag," eksakto isang taon matapos niyang ideklara ang kaniyang kandidatura sa pagka-pangulo sa 2022 national elections. Ang nilalaman ng aklat ay ang kanyang mga karanasan sa buong kampanya. 

"After the elections, one of the things I really wanted to do was to write about my experience from this extraordinary journey—mula sa panahong nagdedesisyon pa lang ako, hanggang sa dulo ng ating People’s Campaign," saad ni Robredo sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Oktubre 7.

"So today, as many of us look back on the wonderful memories of the campaign, allow me to share: Our book, TAYO ANG LIWANAG, will be available on pre-order soon. Watch out for more details in the coming days," dagdag pa niya.

Pinasalamatan din ni Robredo ang mga volunteers na nakasama niya mula filing ng certificate of candidacy (COC) hanggang sa matapos ang kampanya.

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya

"I also want to take the time to thank our volunteers, who keep the spirit of Bayanihan alive. I've been seeing so many posts, remembering when our movement was born last year. Mula nu'ng araw na nag-file ako ng COC, dumami nang dumami ang mga Pilipinong nagkakawang-gawa na tumaya para sa Pilipinas ng ating mga pangarap. Napakahirap ng ating naging laban, pero puno ng galak at pasasalamat ang bawat pagbabalik-tanaw," anang dating bise presidente.

"The memories being shared by our volunteers today remind us that we can do so much more for our country. Nawa’y patuloy na magsilbing gabay sa ating lahat ang pagmamahal natin sa ating bayan, na ipinamalas natin sa nagdaang taon. Walang pinipiling kulay ang paglilingkod. Tuloy lang tayo. Tuloy ang bayanihan: Para sa kapwa, para sa bayan."

KAUGNAY NA BALITA: https://balita.net.ph/2022/10/07/kulayrosasangbukas-muling-nagtrending-sa-twitter/