Iwawagaygay ni Binibining Pilipinas 2022 first runner-up at Kapuso actress Herlene Budol ang bansa sa Miss Planet International competition sa Kampala, Uganda ngayong Nobyembre.

Nitong Biyernes, Oktubre 10, opisyal nang inendorso ng Binbining Pilipinas Charities, Incorporated (BPCI) si Herlene bilang kinatawan ng bansa sa international pageant.

“She is ready to conquer the solar system, ✨” anang BBPCI sa isang Facebook post, Biyernes.

“Binibining Pilipinas 1st Runner Up - Herlene Nicole Budol is the official representative of the Philippines to Miss Planet International on November 19, 2022 in Kampala, Uganda,” dagdag nito.

Pelikula

FL Liza Marcos, ilang senador dumalo sa VIP screening ng 'Hello, Love, Again'

Nanawagan din ang national organization na suportahan ang kandidata para sa kauna-unahang Miss Planet International crown ng bansa.

Pangunahing adbokasiya ng pageant brand ang pangangalaga sa planet earth sa pamamagitan ng pagtalima sa Sustainable Development Goals (SDGs) ng United Nations Development Program (UNDP).

Basahin: Herlene Budol, itinalagang Miss Planet Philippines 2022, kakatawanin ang bansa sa Uganda – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Abot-abot naman ang pasasalamat ni Herlene sa BBPCI sa opisyal nitong pag-endorsa sa kaniyang unang international pageant.

“Wish granted po. My heart is full of gratitude,” anang beauty queen.

Noong Agosto nang italaga si Herlene para katawanin ang Pilipinas sa nasabing pageant.