Ibinulalas ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid ang kaniyang pagkadismaya sa mga taong "nagpapanggap" at nagsasabing iniisip nila ang kaniyang kapakanan, subalit patuloy raw na nagnanais na sana raw ay masira ang pagsasama nila ng mister na si Ogie Alcasid.

Matatandaang umuugong ang mga bali-balitang "on the rocks" na raw ang kanilang relasyon, bagay na nauna nang pinabulaanan ng singer-TV host.

"By the way nakakapagod na yung mga taong nagpapangap na 'we care about her' and yet continues to wish my relationship with MY HUSBAND to fail 😱 I don’t understand anymore. Well I guess block kiti block na lang ako. Hay," tweet ni Regine nitong Huwebes, Oktubre 6 ng umaga.

National

PAOCC Usec. Cruz, inaming may lumapit sa kaniya para tulungan si Alice Guo

https://twitter.com/reginevalcasid/status/1577797571736915968

Bumaha naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Akala po kasi nila na walang ginawa si kuya para tulungan si ate."

"Nako Ate please wag ka paapekto sa kanila, kami ang mga tunay na nagmamahal sa'yo at wala kaming ibang hiling kundi ang kaligayahan mo. Love you Queen! Shake it off!"

"As a fan of yours since 2004 and nag out kau ng 2007, I was so happy for you Ate. kasi nakikita kong masaya ka kay Kuya

@ogiealcasid and thanks to him kasi sobra ka niyang mahal at napapasaya. Block mo na lang po yung mga panget ang sinasabi about kay Kuya. Basta happy kayo, ako rin."

"Sad po about this. I dunno the whole thing, but it's certain: your intuition is right. Red flags are screaming for those kinds of pretentious people. Those who truly love & care for you will never malign your hubby. I only hope for the best for you, your hubby & family."

Matatandaang nabalot ng kontrobersiya ang pagsasama nina Regine at Ogie, na napababalita noon na may relasyon.

Taong 2007 nang aminin ni Ogie na in a relationship na sila ni Regine at hiwalay na sila ng misis na si Michelle Van Eimeren. Bagama't ganito ang nangyari, nananatili naman daw silang magkakaibigan.