Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay muli na namang nakatikim ng "lait ni Lolit" si Kapuso star at isa sa mga bida sa kasalukuyan nang umeereng "Start-Up Ph" na si Bea Alonzo.

Ayon sa Instagram post ni Manay Lolit Solis nitong Huwebes, Oktubre 6, napanood ng kaniyang mga kaibigan ang Start-Up PH at muli raw lumutang ang wrinkles ni Bea nang mapatabi sa young-looking na si Alden Richards.

"After ng lunch natin Salve, plano na naman ni Leo Espinosa, PatP at Gorgy na magkaruon ng lunch with Cong. Rachel Arenas. Jogging friends pala sila Cong. Rachel Arenas at Leo Espinosa kaya type din nila na makasama tayo sa lunch. Siguro exciting lunch iyon dahil si Leo pala ever favorite si Bea Alonzo at talagang gandang-ganda siya sa haggard beauty nito na lalong tumindi ng mapatabi sa very young looking na si Alden Richards."

"Lalong nakita ni Leo mga wrinkles ni Bea habang nanunuod siya ng Start Up PH kaya naniwala siya na medyo haggard beauty na ang talent ni Shirley Kuan. Baka naman pareho ng edad sila Bea at Shirley kaya ganuon, palagay mo Salve at Gorgy? Baka naman consult a lawyer agad ang gawin ni SK dahil dito, eh may magagawa ba ang lawyer para maalis wrinkles ni Bea?"

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa pagkakataong ito ay muling naungkat ni Manay Lolit ang puno't dulo ng pang-aaway niya kay Bea at sa manager nitong si Shirley Kuan, nang hindi sila payagang makadalo sa press conference ng beauty product na ineendorso ng aktres.

"Kailangan ba ng lawyer para mag-cancel ng mga invited guests sa isang presscon na hindi naman nila gastos kundi ng Beautederm, hayan tuloy, hindi successful ang sales ng endorsed product niya sa Beautederm, kawawa naman si Rhea Tan na sobra sa bait kaya na power play nila."

Naniniwala si Manay Lolit na tila "bituing wala nang ningning" si Bea.

"No matter kung ano pa sabihin, basta wala ng ningning si Bea Alonzo. Suwerte siya at pumayag si Alden Richards na mag-partner sa kaniya. Kasi nga, saan ka naman nakakita ng star na nagpapa-cancel ng invited guest, tinalbugan niya mga super mega star of all seasons ha, feeling on top eh nasa ibaba na."

"Hay naku Bea Alonzo, reality check muna noh, baka sobra eklay na natatanggap mo sa team mo, akala mo nasa top ka pa rin, maging tutoo, huwag mag-ilusyon. Harapin ang katotohanan, sabihin n'yo nga Salve at Gorgy."

Samantala, sa lahat ng ito ay dedmakels naman ang kampo ni Bea sa lahat ng mga tirada niya.