Dahil sa kapangyarihan ng social media, nag-viral ang Facebook post ng isang netizen tungkol sa umano'y sinigawang empleyado ng isang warehouse store at nakarating ito sa kumpanya at humingi ng pasensya.

Sa Facebook post ng isang netizen na si Cretz Catigtig nitong Martes, Oktubre 4, ibinahagi niya ang naging karanasan ng empleyado.

"Kung sino man po 'yung kausap ni Manong sa phone. Nagsasabi naman nang totoo 'yung tauhan n'yo na nasiraan 'yung DAU-APALIT Bus," ani Catigtig.

"Hindi naka-speaker phone si manong pero lumalabas 'yang ngala ngala mo sa cellphone niya. Hindi naman niya kasalanan na nasiraan 'yung sinasakyan niya konting konsiderasyon," dugtong pa nito.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Pregnancy and Infant Loss Remembrance Day, kailan nga ba nagsimula?

"Ayaw ko mangialam sana kaso mukhang gusto nang lumabas sa CP 'yung boses ng kausap niya kakasigaw. 'Yun lang period."

Sa dulong bahagi ng post niya, tinag niya ang pinagtatrabahuhan umano ng empleyado, ang RHC Builders Warehouse.

Ang naturang Facebook post ay umani ng mahigit 34k reactions, 34 comments, at 6.5k shares na naging dahilan kung bakit umabot sa pamunuan ng kumpanya ang isyu.

Nitong Miyerkules, Oktubre 5, naglabas ng opisyal na pahayag ang RHC Builders Warehouse hinggil sa nangyari.

"In response to the information circulating on social media regarding one of our employees mistreated by his immediate superior, RHC Builders Warehouse and its management, would like to apologize about this incident," anang kumpanya.

"We are conducting further investigation about this matter. We will not tolerate this kind of behavior. Rest assured that necessary sanctions will be made accordingly."

"We thank you for your understanding."

As of writing, umabot sa 9.9K reaction at 300 shares ang kanilang pahayag sa Facebook.