July 21, 2026

Home BALITA

Chinese ambassador Jing Quan, ipinatatawag ni PBBM sa Malacañang

Chinese ambassador Jing Quan, ipinatatawag ni PBBM sa Malacañang
Photo courtesy: Bongbong Marcos/FB, via MB


Ibinahagi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa isang mensahe na ipina-su-summon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. si Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan sa Palasyo ngayong hapon ng Martes, Hulyo 21.

Nakatakdang magkita sina PBBM at Quan sa Malacañang mamayang 5:00 ng hapon.

Kasunod ito ng umugong na isyu hinggil sa inilabas na publication ng China’s Daily kung saan itinuring na unggoy ang mga Pilipino—sa pamamagitan ng isang Artificial Intelligence (AI)-generated video; kabilang na rin ang napaulat na pag-atake ng Chinese Coast Guard (CCG) sa Ayungin Shoal noong Lunes, Hulyo 20, kung saan isang personnel ng Philippine Navy (PN) ang nasugatan.

Habang isinusulat ang artikulong ito, si PBBM ay kasalukuyang nasa AFP Change of Command and Retirement Ceremony in Honor of General Romeo S. Brawner Jr. sa Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City.

KAUGNAY NA BALITA: Palasyo sa pag-atake ng CCG sa Ayungin Shoal: 'Hindi katanggap-tanggap!'

KAUGNAY NA BALITA: DFA, umalma sa pagtuturing ng China na unggoy sa mga Pinoy!-Balita

KAUGNAY NA BALITA: Lt. Gen. Antonio Nafarrete, nakatakdang maging bagong AFP Chief of Staff-Balita