Minamadali na ng Department of Health (DOH) ang pagpapalabas ng karagdagang pondo para sa hindi pa nababayarang benepisyo ng mga health worker.

Ito ang tiniyak ng DOH nitong Miyerkules kasunod ng pagpapalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ng ₱1.04 bilyong Special Risk Allowance ng mahigit 55,000 healthcare at non-medical personnel.

Nitong Miyerkules, naglabas din ng ₱11.5 bilyon ang DBM para sa hindi pa nababayarang emergercy at One COVID-19 allowances mula Enero hanggang Hunyo ng taon.

"The DOH will exhaust all efforts to expedite the process of transferring these funds to our implementing units and facilities for the immediate release to all eligible HCWs," ayon sa pahayag ng ahensya.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Inabisuhan na ng ahensya ang regional counterparts nito na ihanda na ang kaukulang dokumento upang mapabilis ang pamamahagi ng pondo.

Paglilinaw ng ahensya, inihahanda na nila ang sub-allotment guidelines para sa pamamahagi ng pondo.