Kasunod ng umano’y pagkawala ng verified Facebook page ng aktres at social media star na si Ivana Alawi, may teyorya kaagad ang negosyante at online personality na si Xian Gaza.

Noong Lunes, Oktubre 3, isang mahabang litanya ni Ivana ang napanuod ng kaniyang milyun-milyong followers sa Instagram matapos umanong walang abisong mawala ang sariling Facebook page.

Tinatayang nasa 19 million followers na ang mayroon sa naturang verified page na aniya’y tila kaugnay din sa parehong insidente ng pagkabura sa Facebook page ng kaibigang si Zeinab Harake na mayroong nasa 13 milyong followers.

“There must be something deeper to this, why are big pages being targeted? Is Facebook even safe for creators and influencers?” ani Ivana.

Teleserye

Jodi Sta. Maria, inaming 'di siya ang first choice sa 'Be Careful with my Heart'

Bagaman palaisipan kay Ivana ang nangyari sa kaniyang page, may hirit na teyorya naman ang negosyanteng si Xian Gaza.

Anang online personality, sadya umanong “in-unpublished” ng aktres ang sariling Facebook page.

Basahin: Verified Facebook page ni Ivana Alawi, naglaho; aktres, naghimutok – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Paglilinaw pa ni Gaza, wala umano siyang galit kay Ivana dahilan para sa karaniwang atake nito sa ilang celebrities.

Dagdag pa ng negosyante, ang pag-iwas sa audit ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang nakikita niyang dahilan para sa pagdadrama umano ngayon ng aktres sa social media.

“Kunyari na-disable yung FB page niya. Feel ko lang,” ani Xian.

Si Xian ay isa ring online personality na kasalukuyang mayroong nasa mahigit 1.4 milyong followers sa Facebook.

Ang Pilipinas ay kilala bilang “Facebook country” kung saan milyun-milyong Pilipino ang online sa naturang platform, dahilan para maging pangunahing lugar din ito para sa mga paid advertisements, bukod sa iba pa, ng ilang malalaking online o showbiz personalities sa bansa.

Samantala, sa pag-uulat, wala pang tugon o reaksyon si Ivana sa naging pahayag ni Gaza.