Nasa bansa ngayon ang dalawa sa kilalang Vietnamese queens na sina Miss Universe 2018 Top 5 finalist na si Niê H'Hen at Miss Universe 2021 Top 16 contender na si Nguyen Huynh Kim Duyen.

Ilang projects ang kinaaabalahan ng Vietnamese queens sa Pilipinas.

View this post on Instagram

A post shared by Nguyen Huynh Kim Duyen (@kimduyen.nguyenhuynh)

Teleserye

Kamukha ni Chucky? Lena, pang-Halloween pagmumukha

Sa kabila nito, hindi naman pinalagpas ng dalawa ang chance na makapag-reunion sa isang Pinay queen, si Miss Universe 2021 Top 5 finalist na si Beatrice Gomez.

Nitong Martes, Oktubre 4, reunited nga si Bea sa malalapit na kaibigan para sa isang intimate dinner sa isang mall.

Ibinahagi pa ng beauty queen ang reunion sa isang Instagram post.

“I’m finally reunited with my hype girl from Miss Universe 2021. It is also such an honor to meet Vietnam’s game changer @hhennie.official from Miss Universe 2018. I just can’t get enough with these babes right here. We both couldn’t contain ourselves, screaming our hearts out at the halls of the mall when we finally saw each other 😩🥰❤️💕” ani Bea.

Sa hiwalay na IG post ni Kim Duyen, “over the moon” aniya siyang muling makita ang Pinay queen.

“Before the dinner I just feel super nervous, super excited, and extremely happy when I can finally meet her in person after a long time,” anang Vietnamese beauty.

Samantala, sa kaniyang IG story, nagpaabot ng muling pasasalamat at pakikiramay si Niê sa namayapang Pinoy pageant trainer na si Anjo Santos.

Niê H'Hen/G story

Ang pageant veteran ang nasa likod ng iconic pasarela ni Niê na naging alas din niya sa kaniyang Top 5 finish sa Miss Universe 2018 sa Thailand.

Si Catriona Gray ang itinanghal noon na Miss Universe.