Nagpaantig sa puso ng mga netizen ang kuwento ng isang nagngangalang "Carla Nicole" matapos niyang ibahagi sa kaniyang Facebook post ang umano'y engkuwentro niya sa isang batang babae sa sinehan, sa isang mall sa Cagayan De Oro City.

Kuwento ni Carla Nicole, habang nakapila siya sa pagbili ng movie ticket para panoorin ang pelikulang "One Piece", nilapitan umano siya ng batang babae at nagtanong sa kaniya kung magkano ang movie ticket nito.

Nagulat umano ang batang babae nang malamang 400 piso ito.

"This girl approached me while nag line mi since the movie is about to start, she approached and asked me if how much ang ticket and so told her na 400 pesos and she was shocked…," ayon sa caption ng netizen.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Hindi raw umalis sa kaniyang tabi ang batang babae at tila nag-isip-isip. Maya-maya, muli itong nagtanong sa kaniya.

"Ate wala po bang mas mura na ticket?" tanong daw ito.

Dito ay natunugan ni Carla Nicole na gustong-gustong manood ng batang babae, kaya ang ginawa niya, nilibre na lamang niya ang movie ticket nito.

Kitang-kita naman sa mukha ang labis na katuwaan at pasasalamat sa estrangherang ale na nanlibre sa kaniya!

Salamat sa iyo, Carla Nicole! Sana ay dumami pa ang mga kagaya mo!