Isang sweet birthday message ang hatid ng negosyanteng si Sam Verzosa para sa ika-32 kaarawan ng nobyang si Kapuso star Rhian Ramos.

Sa isang Instagram post nitong Lunes, Oktubre 3, kalakip ng serye ng mga larawan, binati ng nobyo ang aktres.

“I wish people may know you the way I know you so they can truly appreciate the person that you are. You bring out the best in me,” ani Sam.

“Thank u for making me a better person and for making me happy. May All of your Dreams come true boo ✨💫 Happy Birthday my Riri! ❤️” dagdag niya.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Matamis namang tinuguan ng aktres ang nasabing post.

“I live for that smile,” anang aktres.

Basahin: Rhian Ramos sa birthday ng boyfriend na si Sam Verzosa: ‘There’s no one like you’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa pamamagitan ng ilang serye ng larawan naman ipinagdiwang ni Rhian ang kaarawan sa Instagram kasama ang halos tatlong milyong followers.

Noong Agosto, unang nakita ng publiko ang noo’y napabalita pa lang na magkasintahan sa star-studded na GMA Gala Night.

Basahin: Rhian Ramos, Sam Verzoza, magkahawak-kamay sa isang gala night kamakailan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid