Isang remastered version ng “Ikaw Ang Lahat Sa Akin” performance ni Regine Velasquez sa 2003 Araneta Coliseum concert nila ni Martin Nievera ang naibahagi sa Youtube kung saan napa-react sa sarili ang Asia’s Songbird.

Sa kaniyang Facebook post noong Linggo, ibinahagi ng singer ang enhanced copy ng iconic performance sa OPM classic.

“Just watched this, medyo magaling pala ako dito but of course, this was 100 years ago. I can’t do this anymore,” ani Regine.

Kasalukuyang nasa 52-anyos na ang singer at nananatiling aktibo pa rin ang karera sa industriya.

Events

Andrea Brillantes, naispatang nanonood ng UAAP Men’s Finals

Bagaman aminado nang nagbago ang kaniyang singing caliber, hindi naman maitatanggi ang nananatiling husay ni Songbird sa pagkanta na mapapanuod sa ilan niyang recent performances sa ABS-CBN “Asap Natin ‘To.”

Kamakailan, naging abala rin si Songbird sa ilang concerts sa loob at labas ng bansa.

Basahin: ‘Iconic’ tour ni Megastar, Songbird sa North America, matagumpay! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Todo-tanggol naman ang certified Reginians sa sariling pahayag ng singer.

“Nothing beats Regine. She made a great impact in the music industry. Her talent played a major role in influencing the younger generation of singers. But one thing that really stands out about Regine V throughout her career.....her courage, wisdom, andhumility. Truly, an Icon.”

“Ma'am Regine! Minsan iniisip ko talaga bakit hindi tayo makabreak grounds and make Filipino Music a primary export like Kpop ng Korea. Pero, I'll just smile when I remember that it doesn't matter kasi we have a Regine Velazquez - Alcasid which is the very definition of musical excellence. Kung ayaw nila, satin na lang. This performance still gives me chills.”

“Very elegant, majestic at sobrang galing na world class performance. Lahat naman ng performances mo Songbird e world class talaga. One of the reasons kaya ako napupuyat everyday e sa kakanood ng videos at reaction videos mo Queen. It gives me peace ofmind. No one will ever walk on earth like you again.”

“I am so happy and lucky to have witnessed YOU in our lifetime. Thank you for sharing your amazing talent with us. You are an inspiration. Ibang level yon! Regine Woooh!”

“I’ve watched all your major concerts at the Araneta and MOA Arena. Walang mintis from R2K to your last major solo concert, you are irreplaceable. ‘Yung tipong mabubutas ang bubong ng Araneta when you reach the highest notes! I’m proud that I’ve seen it live!”

“I love your humility, Ate. It takes a sense of self-awareness para masabi mo ang vulnerability na ito. Pero ika nga ng pagka-legendary mo, lahat ng singer na sumikat na sumunod sa iyo-sa parehong edad, malayo ang kakayanan mo sa kanila. And that is themost undeniable truth. Continue to inspire, Ate. Yun ang pinaka greatest contribution mo sa amin at sa mga susunod pa na sisikat na singers.”

Agad na pumatak ng halos 100,000 views ang remastered copy ng iconic performance ni Songbird sa YouTube sa loob lang ng isang araw.