Plano ni Manila Mayor Honey Lacuna na gawing 'mega-leisure park' ang Paraiso ng Batang Maynila (PBM), bilang tugon sa panawagang lumikha ng mas maraming open at green spaces na mae-enjoy ng publiko sa panahon ng pandemya.

Nauna rito, noong Biyernes ay pinangunahan ni Lacuna ang groundbreaking ng Phase 3 ng ginagawang pagbabago sa PBM sa harap ng Manila Zoo, noong

Ang okasyon ay dinaluhan na rin naman nina Vice Mayor Yul Servo, City Engineer Armand Andres, City Architect Pepito Balmoris, City Electrician Randy Sadac, Parks and Recreation Bureau Director Pio Morabe at mga barangay chairmen sa pangunguna ni Engr. Mark Delfin at Jaime Adriano.

Ang nasabing phase ay binubuo ng playground areas at jogging path pati na rin ng malaking basketball court na mayroong garden at gazebos.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Lacuna si Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Carlo Dimayuga III, na siyang sumagot ng aa gastusin sa redevelopment ng nasabing lugar.

Tiniyak rin naman ng alkalde kay Dimayuga na magiging sulit ang lahat ng ginastos dito.

Sinabi ni Andres na ang parke, na may sukat na 2,047-square-meter, ay magkakaroon ng 200-meter jogging path, 15 lamp posts, 28 bollards, ten benches, 67 spotlights at malawak na landscaping, gayundin ng fountain na paiilawan sa gabi, sa mismong harapan ng parke.

Bilang isang doktor, kinikilala ni Lacuna ang physical at mental health bilang nagpapabuti ng kanyang administrasyon, kaya naman ang PBM ang siyang magsisilbing sentro ng komunidad sa isang mataong lugar tulad ng Leveriza kung saan ang mga residente ay malapit ng makakita ng maganda at nakaka-relax. na park.

Magiging karagdagang atraksyon din ang bagong PBM sa newly-rehabilitated Manila Zoo na nakatakdang magbukas sa Nobyembre 15.

Hinihikayat rin naman ni Lacuna ang mga residente na gamitin ang parke, sa sandaling ito ay matapos na, para sa kanilang paglalakad, ehersisyo at bonding dahil ito ay open space at mababa ang tsansa na ma-infect ng COVID.

Nakiusap din si Lacuna sa mga residente na panatilihing malinis at ligtas sa anumang uri ng bandalismo ang parke.