Namigay na ng tig-₱100,000 na ayuda angPhilippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) sa pamilya ng limang rescuer na nasawi sa kasagsagan ng pagtupad ng kanilang tungkulin sa paghagupit ng Super Typhoon 'Karding' sa San Miguel, Bulacan kamakailan.

Ang naturang cash aid ay ipinagkaloob ng Pagcor sa kaanak ninaNarciso Calayag, Jr., Jerson Resurreccion, Marby Bartolome, George Agustin at Troy Justin Agustin bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga ito.

Pinaniniwalaang ng mga awtoridad na nalunod ang limang rescuer nang suungin nila ang matinding pagragasa ng baha nitong Setyembre 25 ng gabi.

Naging katuwang din ng Pagcor angBridges of Benevolent Initiative Foundation, Inc. (BBFI) na charitable arm ng The Midori Clark Casino sa pagsasagawa ng relief operations sa mga biktima ng bagyo sa Bulacan at Pampanga kamakailan.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nitong Setyembre 30, namahagi rin ang Pagcor ng 4,700 relief packs sa iba't ibang lugar sa Luzon na binayo ng bagyo.

PNA