Inamin ng mga transport group na marami pa ring public utility vehicle (PUV) ang hindi makasingil ng  ₱1 dagdag-pasahe sa pagsisimula ng implementasyon nito sa Lunes, Oktubre 3.

Sa pahayag ni Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) president Lando Marquez, hindi pa nakatatanggap ng fare matrix ang kalahati ng kanilang miyembro kaya hindi pa rin sila maaaring sumingil ng dagdag pasahe.

“Ang ating LTFRB-NCR (National Capital Region) kagaya kahapon, nag-overtime sila hanggang alas-8 ng gabi, so kami po ay natutuwa naman dahil napakaganda ng patakaran nila dahil kami ay kinakausap na,” banggit nito.

Mula 70 hanggang 80 porsyentoaniya ng kanilang miyembro ang nakatakdang tumanggap ng kanilang fare matrix sa linggong ito.

National

Rep. Ortega, sang-ayon kay SP Chiz na ‘di dapat magkomento mga senador sa impeachment

Kabilang sa saklaw ng fare increase angtraditional at modern jeep, bus, taxi, at transport network vehicle services (TNVS).