Tila iwas sa isyung kinasasangkutan ni Vhong Navarro si Kapamilya star at kapwa “It’s Showtime” host na si Kim Chu matapos tumangging magbigay ng update sa naging atmosphere sa noontime show matapos ang pag-usad ng kaso.

Sa isang"> brand event kamakailan, nakorner muli si Kim ukol sa long-time boyfriend na si Kapuso actor Xian Lim.

“We’re both doing our projects separately, individually and I think part din ‘yun ng growth namin kung ano yung choice naming in life,” ani Kim sa pag-oober-da-bakod ng boyfriend.

Basahin: Husay sa figure skating nina Ashley Ortega at Xian Lim, iflinex online; netizens, napabilib – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Masaya naman ang aktres sa patuloy na suporta ng KimXi fans kasunod ng comeback nila ni Xian sa big screen.

Sa katunayan, ilang block screening event ang pinagkaabalahan ng real-life couple matapos simulang mapanuod sa mga sinehan ang “Always” nitong linggo.

Basahin: Kim Chiu at Xian Lim, nagbabalik-big screen matapos ang walong taon – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Nakakatuwa 'yung suporta nila sa amin,” ani Kim.

Isang 2011 Korean adaptation ang comeback project ng showbiz couple sa ilalim ng “Viva Films.”

Pag-amin naman ng aktres, nanibago siyang muling umarte kasama si Xian. Masaya naman si Kim at “well-accepted” ang pelikula.

Samantala, nakorner muli ang Kapamilya star ukol sa next stage ng relasyon nila ni Xian.

“Grabe ‘dito ko ba sasabihin, syempre ‘di ko naman alam,” natatawa lang na saad ni Kim.

“Sa day and age ngayon, masyado pang maaga ‘yon,” dagdag niya.

Parehong nasa kanilang early '30's sina Kim at Xian.

Pagtitiyak naman ng aktres, si Xian ang kaniyang “Mr. Right.”

“Hindi niya naman pinapasakit ang ulo ko so parang siguro…”

Dagdag niya, “very loyal” sa kaniya ang aktor. “‘Yung parang kahit iharap mo siya sa lahat ng girls parang ako pa rin yung maganda.”

Pag-amin naman ng aktres, napag-uusapan na nila ni Xian ang ilang plano sa future.

Samantala, tila iwas naman si Kim sa isyung kinasasangkutan ni Vhong Navarro laban sa kasong rape na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.

Nang kamustahin ng isang reporter ang “It’s Showtime” kasunod ng isyu, tumangging magbigay ng pahayag ang aktres.

 “‘Ay ano po d'yan, baka kasuhan niyo po ako. Ikaw ang kakaso sa akin. ‘Hindi, ‘wag yun, ‘wag ‘yun,” pabirong saad lang Kim sa pakiusap na 'wag nang hingan ng reaksyon ukol sa isyu.

Matatandaang simula Setyembre 2020, opisyal na naging bahagi ng “It’s Showtime” ang aktres.