Hotness overload ang sunod-sunod na social media pasabog ni Viva actress at Miss International 2016 Kylie Verzosa.

Mula pa noong Biyernes, Setyembre 30, ilang serye ng mga larawan na ang mapapansin sa Instagram updates ng beauty-queen-turned actress.

Basahin: Suot na hikaw ni Kylie Verzosa sa Vogue gala, tumataginting na P1.2-M ang halaga – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Base pa rito, nasa Bali, Indonesia ang aktres.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Suot ang two-piece chartreuse bikini, iflinex muli ni Kylie ang kasexyhan sa milyun-milyong followers.

Ilang kapwa beauty queen at social media personality ang napa-wow ni Kylie kabilang sina Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados, Miss World Philippines 2018 Katarina Rodriguez at Miss Philippines Interncontinental 2018 Chrusty McGarry.

Basahin: Viva actress Kylie Verzosa, opisyal nang winelcome bilang hurado ng Miss Bahrain 2022 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Agaw-pansin din ang alindog ni Kylie maging sa Filipino international fashion socialite Bryan Boy.

Nitong Linggo, Oktubre 2, muling nagpasabog si Kylie suot naman ang black bikini.

Maging ang award-winning broadcast journalist at TV news presenter na si Karen Davila ay napakomento na sa aktres.

“Sumosobra ka na sis,” komento ni Karen sa bagong IG update ni Kylie.

Umabot agad sa halos 60,000 likes ang IG post ng aktres matapos ang mahigit tatlong oras lang.

Samantala, kamakailan, nauna nang naiulat ang muling pagtatambal nina Kylie at Marco Gumabao sa isang proyekto.

Basahin: Kylie Verzosa at Marco Gumabao, ‘perfect match,’ sey ng netizens; Jake Cuenca, nakaladkad – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid