Pinalawig pa ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng expired na driver's license, student permit, at conductor's license.

Sa pahayag ng LTO, maaari pang gamitin ang mga nasabing dokumento hanggang Oktubre 31 ng taon.

Paglalahad ng LTO, saklaw ng nabanggit na direktiba ang mga tinukoy na dokumento na nag-expire nitong Agosto at Setyembre.

Pinalawig din ng ahensya ang validity ng registration ng mga sasakyang mayroong plate ending na "8" ng hanggang Oktubre 31, 2022.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Ikinatwiran ng LTO, bahagi lang ito ng pagbibigay nila ng konsiderasyon sa mga naapektuhan ng Super Typhoon "Karding' sa Luzon at iba pang bahagi ng bansa at ng pandemya ng coronavirus disease 2019.