Congrats, Direk!

Hindi napigilan ng aktor at direktor na si John Prats na ipagmalaki ang kanyang tagumpay matapos niyang maging direktor ng concert ng South Korean-American rapper na si Jessi sa Maynila nitong Biyernes, Setyembre 30.

Ang Zoom In Manila concert ni Jessi ay naganap sa Mall of Asia Arena sa Pasay, at matatawag na "history" ng South Korean-American rapper dahil ito ang kauna-unahang concert niya.

"I'll never forget this!" Iyan naman ang naging pahayag ni Prats matapos ang tagumpay na pagdi-direct sa nasabing concert.

Mangingisda, patay matapos bumara sa lalamunan ang buhay na isda

Sa Instagram post, ibinahagi ni Prats ang ilang kuhang videos at larawan nila ni Jessi, na may mensahe ng pasasalamat sa directorial debut sa concert ng K-pop star.

"Did you know this was @jessicah_o first solo concert? What a privilege it was to be her first concert director, and it was my first time directing a K-pop concert. I'll never forget this! To God be the glory," ani Prats.

Nagpasalamat rin si Jessi kay Prats at sinabing hindi niya rin makakalimutan ang naganap na concert.

Samantala, ilang mga celebrities rin ang bumati kay Prats. Kasama na dito sina singer-songwriter Yeng Constantino; mga aktor na sina Rocco Nacino, Michael Edward Eigenmann, Jerald Napoles, at Jayson Gainza.

"Nakaka proud ka nak @johnprats congratulations woohoooo," masayang mensahe ni Pokwang sa naging achievement ng anak-anakan niya.