Apat na pagyanig ang naitala sa Taal Volcano sa nakaraang 24 oras, ayon sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Sabado.

Sa abiso ng Phivolcs, kabilang sa apat na paglindol ang dalawang volcanic tremor na tumagal ng dalawang minuto.

Sinabi ng ahensya, nagbuga rin ang bulkan ng 7,015 tonelada ng sulfur dioxide nitong Biyernes, mas mababa kumpara sa 10,718 toneladang sulfur dioxide na ibinuga nitong Huwebes.

Aabot naman sa 1,200 metro ang pinakawalang usok ng bulkan at ipinadpad ito patungong hilagang kanluran.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Ipinaiiral pa rin ang Alert Level 1 sa Taal Volcano kung saan ipinagbabawal pa rin sa publiko ang paglapit at pagpasok sa permanent danger zone, partikular na sa main crater nito.

Nagbabala pa rin ang Phivolcs sa posibleng phreatic explosion at pagbuga ng abo ng bulkan sa mga susunod na araw.