Aabot sa₱1.17 bilyon ang kakailanganin ng Department of Education (DepEd) para sa pagsasaayos ng mga paaralang nawasak ng Super Typhoon 'Karding' kamakailan.

Ito ang inilahad niDepEd Spokesperson Michael Poa sa isang pulong balitaan nitong Biyernes kung saan binanggit na umabot sa 165 na eskuwelahanang nasira dulot ng bagyo

“Ang nakikita nating estimated cost for reconstruction or rehabilitation ng 165 schools na ‘to ay₱1.17 billion," paglalahad ni Poa.

Dahil dito, inamin ni Poa na isinusulong nilang magpagawa ng disaster-resilient classrooms sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga pribadong sektor at iba pang organisasyon.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Hihingan din aniya nila ng tulong ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa bagong disenyong mga paaralan laban sa anumang kalamidad.

Sa huling datos naman ngNational Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 12 ang nasawi, anim ang nawawala at 52 pa ang nasugatan sa pagtama ng bagyo sa malaking bahagi ng Luzon nitong Linggo ng gabi hanggang Lunes ng madaling araw.