Tila apektado na rin ang ilang netizens sa patuloy pa ring usap-usapan ukol sa kontrobersyal na hiwalayan ng parehong musikero at dating mag-asawang Jason Hernandez at Moira Dela Torre.

Kamakailan, matatandaan ang trending na kanta ni Jason na “Ako Na Lang,” dito ibinuhos ng musikero ang tila pagsisisi sa nagawang kasalanan at pagkukulang sa pagsasama nila ng singer.

Malinaw na inilahad din ni Jason sa kanta na siya na lang ang may gustong maayos pa ang kanilang relasyon ni Moira.

Basahin: ‘Let Moira breathe’: Netizens, kaniya-kaniyang hugot sa trending na kanta ni Jason Marvin – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'

Hindi naman nagustuhan ng ilang netizens ang mensahe ng kanta na umano’y nadadawit pa si Moira sa patuloy pa ring “pagpaparinig” umano ng dating asawa.

Para naman sa netizen, isang tugon naman ni Moira sa kamakailang viral social media post ang umani rin sa atensyon ng netizens kung saan sa tulong ng OPM hitmaker na si Ogie Alcasid, bagong hugot song ang nabuo ng singer-songwriter.

“San ka na, babalik ka pa ba. Kinalimutan mo na lang ba para lang makawala. San ka na, hihintayin ba kita. Parang di naman lumaban, pwede bang paniwalaan na merong iba. Ano ba ang aking halaga…San na ako pupunta, ba’t bigla-bigla ka na lang nawala, sinta…” maririnig na mga salita sa bagong kanta ni Moira.

Basahin: Neri Miranda, ‘nangilabot’ nang ma-witness ang pagbuo ng kanta ni Moira – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaan na nilinaw na rin ni Moira kamakailan na walang balikan na magaganap sa pagitan nila ni Jason.

Basahin: Babalikan nga ba ni Moira si Jason? Singer, may rektang sagot – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Gayunpaman, nanatiling stressed pa rin ang ilang netizens sa isyu ng dating showbiz couple.

Isang cryptic post ni Jason ang umani ng sari-saring reaksyon sa netizens nitong Huwebes.

“You know I truly love you, even though I wasn’t true,” mababasa sa kaniyang caption.

Agad namang nagpahayag ng reaksyon ang netizens.

“If you truly love the person, you will never be untrue!”

“Love forgives. Pursue. Persevere. Hope. Don't give up.”

“Moira Dela Torre sana magkabalikan po kayo para wala ng masasakit na parinigan sa mga kanta. ❤️❤️❤️

“Therefore, you don't love her. Pwede ba yun? Love, pero untrue?!!”

“Truly, love forgives but it takes time. It is not an overnight thing. Especially what she experienced during the relationship. A person who is cheated had a very hard time recovering and giving trust to those people who want to show them love. Trust is the most valuable value in a relationship. Once it is tarnished everything follows.”

“Paarang naiwan lang yung FB sa comshop tapos napagtripan!”

Noong Mayo nang kumpirmahan ng parehong kampo ang kanilang hiwalayan matapos ding umanin ni Jason ang pagiging “unfaithful” nito sa asawa.