Hindi mansanas, saging, kahel o karaniwang prutas ang dala ng isang binata sa Bulacan para sa tropang may trangkaso, dahilan para umani ito ng katatawanan sa social media.

Laugh trip ang hatid ng libu-libong netizen sa kakaibang lokohan ng isang binata sangkot ang kaibigang nagkasakit noong Agosto.

Sa viral Facebook post na umani na ng nasa mahigit 43,000 reactions, makikita ang palitan ng mensahe nina Justine Reyes, 23, at John Paul Reyes, 23.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Dito kinakamusta ni Justine ang tropang nagkatrangkaso at nag-alok pang dadalaw at maghahatid ng prutas.

Ang hindi alam ni John Paul, gatang niyog pala ang bibitbitin ng kaniyang tropa.

“May sakit po kasi tropa ko sabi ko dalahan ko sya ng fruits🤣 Sakto may nakita po ako niyog sa bakuran na isipan ko yun ang madala trip lang din po hindi ko naman akalain na magva-viral pa yung trip ko,” ani Justine sa Balita Online.

Tatlong taon nang magkaibigan sina Justine at John Paul.

Dagdag ni Justine, paborito talagang pagtripan ng kanilang barkada ang binata.

Paglilinaw naman ni Justine, agad na gumaling din ang kaniyang tropa sa trangkaso.

Nasa 41,000 shares na ang naturang post at patuloy na kinaaliwan ng libu-libong netizens.