Laugh trip ang hatid ng social media post ng bandang "LILY" matapos tila mapagkamalan bilang ibang personalidad ang bago nilang bokalista.

Sa ibinahaging direct message ng isang netizen, isang nakakaaliw na mensahe ang umagaw sa atensyon ng banda.

“Okay sana ‘yung new vocalist n’yo, kaya lang sabihin n’yo ‘wag nakikipag-away kay [Marc] Pingris.

Relasyon at Hiwalayan

Jericho, ibinahagi 6-hour date nila ni Janine

Kamakailan lang, matapos ang ilang buwang paghahanap, ipinakilala na bilang opisyal na bokalista ng grupo si Joshua Camacho Bulot matapos ang naganap na grand finals ng “Search For The New Lily Vox” sa isang mall sa Antipolo noong Setyembre 18.

Kasama nina Bryan del Rosario at Kim Lawrenz Ordonio, si Joshua ay dating miyembro ng OPM Trio na “JBK” na nakilala sa kanilang stint sa “X-Factor UK” noong 2017.

Noong 2019, napabilang din ang singer-actor sa award-winning hit Pinoy musical na “Rak of Aegis.”

Basahin: Pinakabagong bokalista ng ‘LILY,’ dating ‘X-Factor UK’ contestant, ‘Rak of Aegis’ cast – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa mga larawan ng singer online, tila nagkalituhan pa nga nang mapagkamalan itong ang kontrobersyal na fitness guru at motivational speaker na si Rendon Labador.

Basahin: Rendon Labador, kakasa nga ba? Grupo ni Pingris, pupusta ng ₱10M – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaan ang naging hamon ng basketball star na si Marc Pingris sa fitness guru nitong Setyembre, na umabot pa sa batuhan ng maaanghang na salita at pustang tumataginting na P10 milyon.

Basahin: Marc Pingris, hinamon si Rendon Labador: ‘1 on 1 tayo saan at kailan mo gusto pupuntahan kita’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Natawa na lang ang naipit na bokalista sa pagkakadawit sa isyu.

“Sige focus nalang ako sayoAlyssa Calaraikaw nalang goal ko,” komento ni Joshua habang itinag ang confused na netizen.

Umani ng libu-libong laughing reactions ang social media post ng banda na parehong ikinaaliw at ikinarelate ng netizens.

Kalookalike nga ba?